"Dyaryo! Dyaryo kayo dyan! Mura lang! Bili na! Bagong Balita!" yan ang laging sinisigaw ni Dino tuwing umaga para makapasok sa eskwela.
Si Dino ay maagang naulila sa kanyan mga magulang kaya kinupkop siya ng kanyang tiya at pinag-aral,ngunit kapalit nito ay maninilbihan siya.
Laging nahuhuli sa klase si Dino dahil sa kanyang pag titinda ng dyaryo. Pinagtatawanan din siya ng kanyan mga kamag aral.Isa lamang ang kanyang kaibigan,at iyon si Mark.
Araw-araw pagkauwi ni Dino sa bahay ng tiya nya, siya na ang laging guagawa ng mga maduduming gawain. Siya rin ang naglalaba ng kanilang damit. At minsan pa ay minamaltrato sya ng kanyang tiyo at tiya.
Sa sobrang hirap ng kanyang naranasan, naglayas siya.Naglalako na lang siya ng dyaryo at nagtitinda ng basahan para may mapambili ng makakain.
Pagkatapos ng 5 taon ng kanyang paghihirap, nakita sya ng kanyang ninang at pinag-aral siya. Hindi siya sanay na pinagsisilbihan ng mga maid at isang palamunin kaya nagtinda muli siya ng dyaryo at ibinigay sa kanyang mabait na ninang.
Matapos ang kanyang pag-aaral ay nag tayo siya ng negosyo, iyon ay pagawaan ng dyaryo. Kumita iyon at nagpasalamat siya sa Panginoon at sa Dyaryo dahil sila ang nagdala sa kanya patungo sa kaunlaran.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento