Linggo, Enero 30, 2011

Isang Susi Sa Kaunlaran



  "Dyaryo! Dyaryo kayo dyan! Mura lang! Bili na! Bagong Balita!" yan ang laging sinisigaw ni Dino tuwing umaga para makapasok sa eskwela.

   Si Dino ay maagang naulila sa kanyan mga magulang kaya kinupkop siya ng kanyang tiya at pinag-aral,ngunit kapalit nito ay maninilbihan siya.
    Laging nahuhuli sa klase si Dino dahil sa kanyang pag titinda ng dyaryo. Pinagtatawanan din siya ng kanyan mga kamag aral.Isa lamang ang kanyang kaibigan,at iyon si Mark.
    Araw-araw pagkauwi ni Dino sa bahay ng tiya nya, siya na ang laging guagawa ng mga maduduming gawain. Siya rin ang naglalaba ng kanilang damit. At minsan pa ay minamaltrato sya ng kanyang tiyo at tiya.
    Sa sobrang hirap ng kanyang naranasan, naglayas siya.Naglalako na lang siya ng dyaryo at nagtitinda ng basahan para may mapambili ng makakain.
    Pagkatapos ng 5 taon ng kanyang paghihirap, nakita sya ng kanyang ninang at pinag-aral siya. Hindi siya sanay na pinagsisilbihan ng mga maid  at isang palamunin kaya nagtinda muli siya ng dyaryo at ibinigay sa kanyang mabait na ninang.
    Matapos ang kanyang pag-aaral ay nag tayo siya ng negosyo, iyon ay pagawaan ng dyaryo. Kumita iyon at nagpasalamat siya sa Panginoon at sa Dyaryo dahil sila ang nagdala sa kanya patungo sa kaunlaran.

Kabataang Pinoy Lyrics

Ang barkada namin may pangarap
Na nais abutin
Pangarap namin magtagumpay
Sa lahat ng gagawin

Iba na tayo ngayon
Walang di nagagawa
Sabihin mo, sabihin nyo,
Kaya natin to

Kabataang pinoy pagbutihan mo
Pag-asa ka ng buong mundo
Kabataang pinoy kayang kaya mo
Pinoy ako, pinoy tayo!

Hamon sa buhay handang daanan
Kaya namin 'yan
Ipaglalaban namin ang nararapat
At tamang gagawin

Iba na tayo ngayon
Matibay ang loob
Sabihin mo, sabihin nyo,
Kaya natin to

Kabataang pinoy pagbutihan mo
Pag-asa ka ng buong mundo
Kabataang pinoy kayang kaya mo
Pinoy ako, pinoy tayo!

Kabataang pinoy pagbutihan mo
Pag-asa ka ng buong mundo
Kabataang pinoy kayang kaya mo
Pinoy ako, pinoy tayo!

Kabataang pinoy pagbutihan mo
Pag-asa ka ng buong mundo
Kabataang pinoy kayang kaya mo
Pinoy ako, pinoy tayo!